Monday, 29 March 2021

Dark Secret : Prologue

 



Title:Dark Secret
Author: @mxgchef
Language: Filipino/ English
Status: n/a

(Note: Every chapter of this story was uploaded separately. We already removed the table of contents button. For now, you can use our search engine to browse or search the stories and chapters on it. )



PROLOGUE:

     Hapong-hapo si Adminicous ngunit 'di alintana pagkat nakasama ang babaeng pangalawang higit niyang minahal.


    Ito rin ang pinaka hindi niya makakalimutang karanasang dumating sa buhay niya—mula nang pagtagpuin sila ng dalaga. 


   Pagkalabas mula sa quarters agad nitong hinanap sa buong paaralan ang kasintahan.

   "Saan na naman kaya nagpunta ‘yon?


    Sabay labas nito ng isang kahon na hugis pa-Triangulo mula sa bulsa ng kulay mapadpad na pantalon habang kababakasan ng ngiti sa labi.


   Nag-ikot pa siyang nang nag-ikot hanggang sa makasalubong ang isang nilalang na nakayukong nagbro-browse ng telepono.


    "Sandali, Dammier, nakita mo ba si Sindy?" aniya matapos mapigil ang kanang braso nito sa tangkang pag-alis.  


   Palinga-linga pa siya sa paligid habang hindi mapakaling naghihintay ng kasagutan.


    "O, Ikaw pala . . . ano'ng atin?" sagot nito na 'di alintana ang naunang katanungan.


    Hindi na kasi ito nag-abalang lumingon pa sa kaniya bagkus nagpatuloy lang ito sa pagpindot ng hawak na telepono.


    "P-puwede ba—saan galing 'yan?”


  Hindi makapaniwalang tingin na pinupukol niya rito habang pilit inaapuhap ang kasagutan sa mga nakikita.


    "Ssshhh! Huwag kang maingay, sekreto lang natin 'to." Pahapyaw ngiting-tingin nito sa kaniya bago ipinagpatuloy ang ginagawa.  


  "Pag may nakakita niyan sa ‘yo, siguradong—" 


   "Naks, kailan ka pa naging concern sa mga pinaggagawa ko?" Natatawang iling nito. "Ikaw a, Adminicous. Huwag mo sabihing—"


    "Tigil-tigilan mo nga 'ko sa mga kalukuhan mo, Dammier. Hindi ako natutuwa," mabilisang kontra niya rito at nagkunwareng may hinahanap sa paligid.  


  Nanlalaking ngisi naman ang sagot nito. "Sus, himala atang bumabait na'ng Hari ng kasamaan." 


   Hindi niya alam kung anong pinupunto nito pero, base sa tabas ng pananalita, alam niyang may bumabagabag sa pag-iisip ng kaibigan


    "Pati A, kanina ko pa ‘to hawak tapos ngayon mo lang napansin? Susmaryosep, mukhang nawawala na 'yong kaibigan ko, ah. Ilabas mo siya," hindi papa-awat na biro nito bago siya niyugyog nang wala ng bukas. 


   "Wala akong panahon sa mga biro mo, Dammier. Bahala ka sa buhay mo kung mahuhuli ka, wala akong pakia—"  


  "Bro, easy lang, masyado kang seryoso," wika naman ni Dammier bago isinilid sa bulsa ng pantalon ang telepono. "Well, wala ka naman laging hinahanap kundi siya," may lamang pagpapatuloy nito habang nakatitig sa kawalan. 


   "Ano bang ipinupunto mo, Dammier," nauubusan ng pasensiyang tanong niya rito habang nagmamatyag sa kung ano pang isasagot nito.


    Bakas na bakas ang pagka-irita sa mukha niya habang pilit pinapakalma ang sarili pero, sadyang nagliliyab ang gigil na nararamdaman sa pagmumukha ni Dammier na binabalewala lang ang nag-u-uminit na tagpo.  


   "Sana lang, mapanindigan niya ang pagkakakilanlan niya sa—" 


   "Sa akin, dahil hindi ako nababagay sa kaniya, tama ba?" nanlilisik na ngising putol niya dito habang patuloy na tinititigan ang kausap. 


   "Hindi ko intensyon na ganyan ang maramdaman mo, ang akin lang naman—"seryosong pagpapaliwanag nito habang nakatingin sa 'di 

kalayuan. 


    "Ano’ng sa akala mong ginagawa mo, Dammier? T*ngyna, kaibigan kita, tapos ano? Gusto mo siyang mapunta sa ‘yo? Akala ko maiintindihan mo ang nararamdaman ko pero, mukhang nagkamali ako ng pagtingin sa 'yo," puno ng diin na bigkas niya rito habang pilit pinipigil ang pagbuo ng nag-aapoy na galit.


    "Hindi sa ganoon, Adminicous, ang punto ko lan—"  


   Tuluyan nang sumabog ang kanina pa niyang pinipigilang emosyon, agad niyang sinunggaban si Dammier at hinablot ang kulay itim nitong kuwelyo habang nanginiginig.


  "T*ngyna! Ano ba! Ano’ng ginagawa ninyo? Malayo pa lang kami rinig na rinig na namin kayo, ah?" nagsisigaw na tinig ng paparating na lalaking tumatakbo sa puwesto nila.


    Napadaan ang mga ito habang patungo sa dulong bahagi ng cafeteria nang biglang matanawan ang mga kaibigang kaunti na lang at magsasalpukan na.

    "Sy, hayaan mo sila kung gusto nilang magpatayan. Ayaw mo noon live in action," singit na sigaw ng isa pang lalaki.


    "Xhander, hindi lang ako tatayo rito para manood. You know me," sagot naman ni Sylier bago inawat ang dalawa. 


    Pagkakataon naman ni Dammier ayusin ang suot na kuwelyo nang tuluyang mapaghiwalay sila ni Adminicous—na patuloy pa rin naglalaglab ang emosyong nararamdaman.


    "T*ngyna! Dammier, akala mo ba hindi ko alam? Huwag ako! Sindy is mine. Wala akong pakialam kung anong gusto mong sabihin," pang-iiba ng usapang anang sabi ni Adminicous na siyang ngisi lang ni Dammier.


    Dahil sa napagmamasdan mas lalong nag-init ang dugo ni Adminicous sa pagmumukha ni Dammier na ambang lalapitan at sasapakin na talaga pero, maagap ang panggi-gitna muli ni Sylier.


    "Yow, mga dude, easy lang. Nasisira-ulo na kayo dahil sa babae? T*ngyna! Babae lang 'yan, marami ako niyan, magsabi lang kasi kayo . . . T*ngyna, wala akong masabi." Iling na ngising singit ni Xhander habang napapakagat labi sa panggigigil.


    "Xhander, puwede ba? Huwag ka na nga munang makialam pa," banta naman ni Adminicous dito matapos maibsan sa gulat na nararamdaman sa reaksyon ng kaibigan.


   Ngisi naman ang sinagot ni Xhander bago umiling-iling. "Sindy Sanchez, huh." Nanlilisik nitong bigkas.


    "Alam mo, Adminicous. Alam kong ginagamit mo lang siya dahil kay Cris. Bakit? dahil ba sa kasalanan ko sa ‘yo?" tirada muli ni Dammier na siyang dahilan upang kumawala ang panibagong tensyong namumuo sa pagitan nila Adminicous at Xhander.


    Nakasuksok na ngayon ang dalawang kamay ni Dammier sa bulsa ng mapadpad na pantalon habang nakatingin sa malayo.


    "Dammier! Tama na. Utang na loob," pigil-diin na singit naman ni Sylier bago ginulo-gulo ang buhok.


    Hindi nito mawari kung pa-paano puputulin ang mas gumugulong pangyayari.


    "T*ngyna, huwag mo idamay si Cris dito," sigaw na namang muli ni Adminicous na 'di alintana ang pakiusap ni Sylier—na siyang gulat din ng mga nakakasaksi sa pangyayari.


    Dumarami na rin kasi ang bawat estudyanteng nakakapanood, maging ang bulungan ay unti-unti ng nananaig sa buong paligid.


    "Ganyan nga, sige lang, mag-away lang kayo," puno ng satisfaction na sabi ng nilalang na nasa 'di kalayuan habang nanlalawak ang ngisi.


    Nakasuot din ito ng uniporme gaya ng sa mga estudyante ng Las Santidos University pero, kitang-kita sa pagmumukha nitong nasisiyahan sa mga kaganapan.


   "See, concern ka pa rin sa kaniya, akala ko nagbago ka na, hindi pa rin pala. Makasarili ka pa rin hanggang ngayon," natatawang sagit ni Dammier habang nakahalukipkip ngunit nagulantang na lang ang lahat nang makitang sumubsob na ito sa damuhan.


    "Sh*t! Adminicous," nanlalaki na matang sigaw ni Sylier habang hindi inaasahang makakawala ito ng mabilis sa bisig niya.


    "T*ngyna mo, Dammier," banat na naman ni Adminicous habang nagpupumiglas sa pagkakahawak na ngayon ni Xhander. "Bitiwan mo ako, Xhander," pagpapatuloy nito habang nanlilisik ang tingin kay Xhander na hindi namalayang nakahawak na rin pala sa kaniya.


    Patuloy naman na dahan-dahang bumabangon si Dammier mula pagkakasubsob ngunit nang tuluyang mahimasmasan si Sylier sa sobrang gulat agad niyang dinaluhan si Dammier.


    "Adminicous, ano ba? Tama na. T*ngyna! Babae lang 'yan nagkakaganyan kayo? Tama na'ng mga pagpapanggap ninyo," sigaw ni Sylier matapos maalalayan sa damuhan ang kaibigan.


    "Ano," utal na tanong ni Adminicous habang nakakunot-noo na nakatitig nang masama kay Sylier.


    Ngisi naman ang lumabas sa labi ni Xhander habang nai-iling na hindi makapaniwala sa naririnig.


    "Dammier, isa ka pa! Huwag na tayong maglukuhan dito. Lahat tayo may kaniya-kaniyang itinatago. Ikaw din, Xhander," nanlilisik na turan ni Sylier habang hinihilamusan ng palad ang pagmumukha.


    Lahat sila nagulantang, maging ang mga nakakapanood sa eksena ngunit walang sinuman ang umapela.


    Gayon din, nakatayo lang si Sylier habang nasa magkabilang baywang ang dalawang kamay, nakatingin ito sa kalangitan na puro naglalakihang sanga habang malalim na bumubuntong-hininga.


    SA 'DI kalayuan naman ay may babaeng naglalakad patungo sa kulay puting-bughaw na bleachers habang nakatulala.


    Nakatingin lang ito sa mga bulaklak na kulay kalimbahin na nakapalibot sa lugar. 

    "Sindy," umalingawngaw na sigaw mula sa babaeng tumatakbo sa 'di kalayuan.

    Ngunit nananatili lang nakatulala ang babae na animo'y walang narinig na kung anuman bagkus hawak lang nito ang kulay itim na strap.


    "Nandito ka lang pala, kanina pa ko nagpapaikot-ikot. Saan ka ba kasi nagpupu-punta?” Hingal na hingal na sulpot ni Shierra sabay yakap kay Sindy.


    Sinipat pa nito ang kabuuan ng babae: patalikod, paharap at sa magkabilang gilid. Chini-check kung okay lang ba siya ngunit, nananatili lang siyang nakatulala—hindi man lang tuminag.


    "Okay ka lang ba talaga?" Sabay baling pang muli nito sa magkabilang gilid ng mukha ng babae ngunit nananatili lang itong walang karea-reaksyon.


    "Halika na nga lang, natutulala ka na naman," pagsukong ani Shierra nang hindi pa rin umimik ang kausap.


    Binalewala na lang nito ang panlalamig ng dalaga at hinatak na sa kung saan na siyang nagpahila naman ito nang walang tutol pero, nananatili pa rin na nakatulalang 'di umiimik.


    "H-Hon!" umi-echo na tinig mula kay Adminicous na siyang nagpagulat sa reaksyon ng lahat, maging kay Sindy na agad tumalikod nang makita ang nobyo.


    "Saan ka ba nagpupu-punta? 'Di ba sinabi ko naman sa ‘yo na huwag kang lalayo. Alam mo bang sobra mo akong pinag-alala? . .  . ‘Di ba, sinabi ko naman sa ‘yo na ayaw kong nawawala ka sa paningin ko. Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" mahinahon ngunit puno ng pag-aalalang wika ni Adminicous bago maagap na hinawakan ang kanang kamay ng dalaga.


    Mababakas ang pagka-Miss nito na animo'y matagal silang 'di nagkita—base na rin sa higpit na ng yakap nito na siyang patak naman ng mga luha ng dalagang nakatalikod.


    "H-Hon, sandali." Pilit tinatanggal ng dalaga ang pagkakayakap ng nobyo habang walang sawang pumapatak pa rin ang luha.


    "H-Hon, bak—"hindi makapaniwalang tanong ng binata na siyang hindi nauunawaan ang kinikilos ng nobya.


    "Patawad," nanginginig na wika ni Sindy.


    Dahilan upang mawalan ng lakas ng nobyo at tuluyang mabitiwan ang nobya.


    "May problema ba? Bakit ka umiiyak?" naguguluhang kunot-noo ni Adminicous nang makita ang kabuuan ng mukha ng dalaga.


    Tanging simpleng ngiti lang ang ibinigay ni Sindy na siyang nagpataranta lalo kay Adminicous ngunit sa kabila ng naghahalo-halong emosyon at sitwasyon, pinipilit pa rin ng binata na makipag-usap ng kaswal at hindi pinapansin ang kakaibang pakiramdam na namumuo sa sistema.


    "May nangyari na naman ba? Sinabi ko naman sa 'yo nandito lang ako para sa 'yo, 'di ba?" pagbibigay aliw sa nobya sabay haplos ng mukha nito.


    Ngunit sa kabila ng pinapakitang katatagan ng binata, nakatago ang masalimuot nitong pakiramdam sa mga kaganapang nagaganap, kaya upang maibsan ang bigat ng dibdib, niyakap niyang muli ang dalaga at hinalikan sa mga labi.


    Sinagot naman ito ni Sindy na walang alinlangan habang walang sawang pumapatak ang mga luha.


    "Ssshhh, tama na. Don't cry, I'm here." Sabay punas ng mga luha sa mata ng nobya gamit ang dalawang hinlalaki.


    "P-pinatay mo siya," salitang namutawi sa bibig ni Sindy na siyang nagpagulat sa lahat, maging kina Shierra, Dammier, Sylier, Xhander at ang mga estudyanteng makakapanood ng kaganapan—lahat sila'y hindi nakahuma sa narinig.


    Tuluyang napabitiw sa pagkakayakap si Adminicous habang kababakasan ng kaguluhan sa mga pangyayari pero, ang mas ikinabigla ng lahat nang kabigin ni Sindy si Adminicous at muling niyakap nang mas mahigpit kasabay ang pagpatak ng masaganang luha.


    "A-ah! Hon, b-b-bakit?" Hindi makapaniwalang tinging ipinupukol ni Adminicous sa nobya.


    Nanginginig naman ng nakatayo si Sindy habang nakatunghay sa kaliwang kamay na nababahiran ng pulang likido.


    "Patawarin mo ako," unang nasambit ng dalaga matapos mahimasmasan sa pagkatulala.


    Patuloy rin ang pag-atras nito na parang may nakakatakot na nilalang na tinatakasan, kaunti na lang din ay tutumba na ito dahil sa walang sawang pag-iyak at pag-iling.


    Gayon din, walang sinuman ang naka-imik sa mga nangyari.


    "Ganyan nga, magaling," tuwang-tuwang sabi pa rin ng nilalang na nasa 'di kalayuan pa rin.


     Samantala, nang tuluyang hindi makayanan pa ni Adminicous ang lahat tuluyan na itong napaluhod habang nakahawak sa kaliwang dibdib—kung saan naroon ang naka-usling bagay na patuloy na kumikinang habang dumadaloy ang masaganang likido.


    "Patawarin mo ako. Mahal na mahal kita. Paalam," nauutal na sabi ni Sindy bago tuluyang bumagsak malayo-layo sa binatang nakaluhod pa rin.


    Nakatingin lang si Adminicous sa nobya habang walang sawang pumapatak pa rin ang luha—nakangiti pa ito pero, hindi umabot sa mga mata.


    "Killing you is a way of saying I do really love you. Mahal na mahal kita kaya binigay ko lahat. Sana mapatawad mo ako, hanggang sa huli, ikaw pa rin ang mamahalin ko," humihikbing utal na sabi ni Sindy bago napapalahaw hanggang sa nahihirapan na rin itong huminga.


    Ngunit sa kabila ng nararamdaman, dahan-dahang itong tumayo at lumapit kay Adminicous. Tinulak nito ang nobyo na naging dahilan ng pagbagsak sa lupa kasabay ang paghatak sa patalim na nasa puso nito.


    Ito rin ang naging dahilan upang umalingawngaw ang kirot sa tinig ng binata sa buong unibersidad na mas nagpasinghap sa lahat ng nandoon ngunit nagulantang ang lahat nang isinaksak ng dalaga ang naka-usling bagay sa tapat din ng kaniyang puso.


    "H-hindi!

   Akin ka lang!

   No! Hindi maari!"

    "K—"



Note: For you to read the Chapter 1. Use our search engine on our homepage and search the title and chapter of the story you want to read. 

No comments:

Post a comment

Bookpad.site

Bookpad.site is a writing community in which users are able to post academics, articles, comics, stories, fan fiction, and poems, either through the website or the mobile app. This gives people the chance to have their creative works available to a wider audience.




Contact Us

Name

Email *

Message *